UMABOT ng 188 Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang pinalaya nitong Lunes, Marso 31, 2025, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).
Sa mga pinalaya, 747 ang nakatapos ng kanilang sentensiya, 159 ang nabigyan ng parole, at 112 ang napawalang-sala sa kanilang mga kasong kriminal.
Nasa 21 naman ang nabigyan ng probation; 18 ang pinagbigyan ng korte sa kanilang petisyon para sa habeas corpus; at isa ang isinuko sa korte.