19 PDLs, nakapagtapos ng kursong entrepreneurship sa kolehiyo

19 PDLs, nakapagtapos ng kursong entrepreneurship sa kolehiyo

19 na kababaihang persons deprived of liberty (PDLs) sa Quezon City ang matagumpay na nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship.

Sa 19, anim dito ang released na at nakumpleto ang programa sa pamamagitan ng online class habang ang 12 ay nananatiling detained pa.

Inanunsiyo ito ng lungsod nitong Setyembre 28.

Ang naging graduation ceremony ay ginawa sa Camp Karingal, Quezon City.

Ang mga nabanggit naman ay magkakaroon ng oportunidad na makapagtrabaho sa Public Employment Services Office ng Quezon City.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble