19 sasakyan, motorcycle na kinarnap narekober ng QCPD

19 sasakyan, motorcycle na kinarnap narekober ng QCPD

IPRINISENTA kaninang umaga ng Quezon City Police District (QCPD) sa mga mamamahayag ang mga narekober na nakarnap na mga sasakyan at motorsiklo laban sa insidente ng carnapping sa lungsod ng Quezon kung saan may kabuuang 12 motor vehicle at pitong motorcycle na kasama sa carnapping incidents ang matagumpay na naibalik.

Ayon kay QCPD Director PBGen. Rederico Maranan, ang mga nabawi sa mga nasabing kinarnap na mga motorsiklo at mga sasakyan ay dahil sa walang tigil na ginagawang monitoring ng District Anti Carnapping Unit (DACU), sa ilalim ng pamumuno ni PMaj. Hector Ortencio sa pinagtibay na operasyon laban sa mga insidente ng carnapping.

At nagresulta ito ng pagkabawi sa 12 motor vehicle at dalawang motorcycle.

Nagpaabot ng pasasalamat si PBGen. Maraman sa Galas Police Station (PS 11) sa ilalim ni PLtCol. Jerrold Jake Manguerra; at ang Project 4 Police Station sa ilalim ni PLtCol. Jake Barila para sa kanilang commendable efforts.

Kolektibong nakuha nila ang dalawang motor, at tatlong motor, kati-siti.

Pinupuri nito ang mga mga operatiba para sa kanilang masipag at matagumpay na mga operasyon kaugnay sa mga insidente ng carnapping sa lungsod.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter