1,906 bagong kaso ng COVID-19, naitala mula Abril 4-10

1,906 bagong kaso ng COVID-19, naitala mula Abril 4-10

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,906 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas mula Abril 4 hanggang Abril 10.

Ayon sa DOH, ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 272, mas mababa ng 29% kung ikukumpara sa mga kaso noong Marso 28 hanggang Abril 3.

Sa mga bagong kaso, wala sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Samantala, mayroon namang naitalang 428 na pumanaw.

Noong Abril 10, sinabi ng DOH na mayroong 707 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.

Sa 2,951 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 542 o 18.4% ang okupado habang 16.4% ng 24,689 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

BASAHIN: Pagtalima sa health protocols sa publiko, panawagan ng DOH ngayong Semana Santa

Follow SMNI News on Twitter