MULING tinukoy ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Juan Ponce Enrile ang 1987 Constitution na binuo noong administrasyon ni dating Pangulong Cory Aquino na nagpapahina sa bansa.
Sa kaniyang programa sa SMNI News, ipinunto ni Enrile na marami silang inaayos sa naturang Saligang Batas dahil marami itong probisyon na nagpapahina sa Executive Department partikular na mga hakbang para sa ekonomiya.
Partikular na dito ang pagbabawal sa joint marine seismic undertaking sa pagitan ng Pilipinas, Vietnam at China sa West Philippine Sea.
Ngayong Mayo ay nakatakdang magpulong ang Pilipinas at China para sa gagawing joint oil and gas exploration sa West Philippine Sea.
Matatandaan na sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa China noong Enero 5 ay pumayag ito na ipagpatuloy ang pagtalakay sa naturang usapin.