1992-93 jersey ni Michael Jordan naibenta ng 2.6M dollars

1992-93 jersey ni Michael Jordan naibenta ng 2.6M dollars

NAIBENTA sa Heritage Auctions sa halagang 2.623 million dollars ang isang jersey ng basketball legend na si Michael Jordan.

Ang naturang jersey ay isinuot ni Jordan sa loob ng 17 laro kasama ang Chicago Bulls noong 1992 hanggang 1993 NBA Season.

Ang 1992-93 season ay makasaysayan din para kay Jordan at sa Bulls.

Ito’y dahil pinangunahan niya ang Bulls sa kanilang unang tatlong sunod-sunod na pagkapanalo sa NBA.

Samantala, ang pinakamahal na sports collectible ni Jordan sa kasalukuyan ay ang jersey na sinuot niya noong 1998 NBA Finals dahil naibenta ito sa halagang 10.091 million dollars.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble