19k mangingisda, apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro

19k mangingisda, apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro

NASA 19,000 mangingisda ang apektado ng oil spill sa 9 na munisipalidad sa Oriental Mindoro.

Ito ang inihayag ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) chief Information Officer Nazario “Nazer” Briguera sa Laging Handa public briefing.

Base ito sa naitalang registered fisher folks ng BFAR.

Kabilang dito ang Naujan, Pola, Pinamalayan, Basud, Gloria, Roxas, Mansalay, Bongabong at Bulalacao.

Sa 19,000 affected fisher folk, tinatayang nasa P5-M ang nawawala araw-araw dahil sa hindi pagkakaroon ng hanapbuhay ng mga mangingisda habang nakasara ang mga pangisdaan.

Ganoon pa man ani Briguera, hindi pa naman ramdam sa ngayon ang national scale ng shortage ng supply ng isda.

Bagamat ito’y posibleng mayroong limitadong suplay ng isda, dahil nagpatupad ng fishing ban ang local government units (LGUs) sa mga apektadong lugar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter