LUMAHOK sa naturang aktibidad ang iba’t ibang grupo sa isinagawang pagtatanim ng puno sa Brgy. Rajah Muda, Tacurong City, Sultan Kudarat sa ilalim ng ‘One Tree, One Nation’ Nationwide Tree Planting Activity na inisyatibo ni senatorial aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy sa pangangalaga ng kalikasan.
Ang malawakang pagtatanim ng mga punong-kahoy ay inorganisa ng Sonshine Philippines Movement.
Ito’y bahagi ng matagal na adbokasiya ni Pastor Apollo mula pa noong 2005 na may kinalaman sa pangangalaga sa ating kapaligiran upang matugunan ang pinsala at epekto ng climate change.
Ang lugar na pinagtaniman ng isang libong Mahogany seedlings ay kadalasang binabaha tuwing nakararanas ng masamang panahon.
Sa kabila ng matinding sikat ng araw hindi alintana ng mga volunteers ang pagod sa halip ito ang nagsilbing inspirasiyon upang makatulong sa Inang Kalikasan.