ISANG libong manggagawa sa Cebu ang nakatanggap ng kanilang sahod sa ilalim ng TUPAD project ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ang TUPAD project ay isang community-based assistance package sa pamamagitan ng emergency employment sa loob ng 10-15 araw para sa natanggal sa trabaho, walang trabaho at seasonal na mga manggagawa.
P4.5-M ang pondo na inilabas ng DOLE para sa naturang mga benepisyaryo.
Ang mga benepisyaryo ay mula sa Barangay Kinasang-an; Tabunan at Bonbon sa Cebu City; at Calajoan sa Minglanilla.