1K na dagdag-sahod ng mga kasambahay sa NCR, aprubado na

1K na dagdag-sahod ng mga kasambahay sa NCR, aprubado na

INAPRUBAHAN na ng National Capital Region (NCR) Tripartite Wages and Productivity Board ang 1,000 na dagdag-sahod kada buwan para sa mga kasambahay sa Metro Manila.

Ito ang inanunsyo ni Department of Labor and Employment (DOLE) Director Rolly Francia.

Dahil dito, magiging P6,000 kada buwan na ang sahod ng mga kasambahay sa NCR.

Sinabi ni Francia na nasa 200,000 kasambahay sa rehiyon ang mabebenipisyuhan ng wage increase.

Kasalukuyang itina-transmit ang desisyon sa National Wages and Productivity Commission para mapag-aralan at maaprubahan ang naturang wage increase.

Follow SMNI NEWS in Twitter