1st Lady ng Parañaque, mas pinalakas ang kampanya kontra malnutrisyon at pagkagutom

1st Lady ng Parañaque, mas pinalakas ang kampanya kontra malnutrisyon at pagkagutom

KASABAY sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan, araw ng Lunes Nobyembre 28 ay inilunsad ni Ms. Aileen Claire Olivarez ang isang non-government organization na ikakampanya ang paglaban sa malnutrisyon at pagkagutom.

Sa pamamagitan ng Isang Plato Sagot ko Foundation (ISPK), kung saan si Olivarez ang presidente, ay umaasa ang grupo na matuldukan o di kaya ay maibsan ang problema sa pagkagutom sa kanilang komunidad sa Parañaque.

Upang ito ay maisakatuparan sinabi ni Olivarez na bubuo sila ng pangkat ng mga aniya’y “hunger warriors” na magsisilbing kampiyon na magsusulong ng food justice.

“Moreover it is committed … contribute to the overall development of communities,” pahayag ni Ms. Aileen Claire Ariate-Olivarez, President, ISPK.

Samantala, kabilang naman sa dumalo sa launching ng IPSK ay ang kaniyang asawa na si Parañaque Mayor Eric Olivarez at si Ms. Jovita Raval ang OIC-Director ng National Nutrition Council.

1 sa 3 pamilya sa Pilipinas hindi sapat ang natatanggap na nutrisyon—Nutrition Council

Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ng opisyal ng gobyerno ang kahalagahan kung bakit kailangan masolusyunan ang problema sa kagutuman at malnutrisyon.

Kaniyang ipinunto na ang mga naturang problema ay labag sa karapatang pantao. Batay sa 2022 research ng Food and Nutrition Research Institute, 33.4 percent o isa sa tatlong pamilya sa Pilipinas ay hindi sapat ang kinakain para mapunuan ang kanilang kinakailangang nutrisyon.

“These families are not eating enough food to satisfy their nutritional needs because they lack economic access to adequate food,” saad ni Ms. Jovita Raval, Deputy Executive Director, National Nutrition Council.

Bagama’t pinuri ng National Nutrition Council ang adhikain ng IPSK na maiahon sa pagkagutom at malnutrisyon ang ilan sa ating mga kababayan ay pinaalalahanan naman nito ang grupo na siguraduhing masustansiya ang pinapakain sa kanila.

“Make sure that it follows the Pinggang Pinoy… so no sugar-sweetened beverage,” ayon kay Ms. Jovita Raval, Deputy Executive Director, National Nutrition Council.

Bukod sa libreng pakain ay handog din ng IPSK ang livelihood programs para sa mga nangangailangan upang sa kalaunan ay kaya na nilang pakainin ang kanilang mga sarili.

Follow SMNI NEWS on Twitter