MAISASAKATUPARAN na ang pagtatayo ng 32.15-kilometers na climate-resilient bridge na mag-uugnay sa Bataan at Cavite patungong Manila Bay.
Ito’y dahil aprubado na ng Asian Development Bank (ADB) ang nasa $2.1-B na loan ng bansa para dito.
Sa pahayag ng ADB, lubos na makatutulong ang pagtatayo ng nabanggit na climate-resilient bridge para mas mapaunlad pa ang mobility ng labor at goods sa paligid ng Manila Bay.
Saklaw ng climate-resilient bridge ang dalawang cable-stayed bridges, 24-km na marine viaducts, at isang 8-kilometer na approach road sa dalawang probinsiya ng Bataan at Cavite.