2.1-M household connections, apektado ng Bagyong Kristine—NEA

2.1-M household connections, apektado ng Bagyong Kristine—NEA

BASE sa datos ng National Electrification Administration (NEA), nasa kabuuang 2.1 million household connections ang apektado ng pananalasa ng Bagyong Kristine.

Ayon kay NEA administrator Antonio Almeda, sakop dito ang ilang lugar sa 12 rehiyon sa bansa tulad ng Region I, Region II, Region III, CAR, Region IV-A, IV-B, V, VI, Negros Region, Region VIII, at Caraga.

“Now, since the landfall, ang NEA together with our electric cooperative members of the Philippine Rural Electric Cooperative Association which is PHILRECA, kami po ay nakaugalian na na kapag may ganiyang bagyo, naghahanda na ang nearby electric cooperatives that will help augment restoration ‘no,” wika ni Antonio Almeda, Administrator, NEA.

Sa ngayon, patuloy ang pagsasaayos para maibalik ang serbisyo ng kuryente sa mga sambahayan sa lugar sa Nasugbu at Calatagan, Batangas; sa mga lugar sa Naga; Iriga, Camarines Sur; sa Albay; Catanduanes; at Pangasinan.

Samantala, nasa 100% na ang energization rate sa Ilocos Norte sa ilalim ng franchise area ng Ilocos Norte Electric Cooperative.

“So far, we are already almost fully energized on most of the areas aside from these areas that I mentioned earlier.”

“Normally assessment will come in after full restoration. But we have initial data in these affected areas, it already runs on more or less approximately at 50 million and counting kasi mahihirapan pang i-assess doon sa mga lugar na lubog pa sa tubig,” saad ni Antonio Almeda, Administrator, NEA.

Kasabay rito, tiniyak ni Almeda na ang mga mahahalagang serbisyo tulad ng mga ospital at mga evacuation center ay na-energize na, pati na rin ang mga pantalan sa Matnog at Allen upang maging maayos na ang transportasyon ng mga kalakal.

Ipinahayag naman ng NEA administrator na tuluy-tuloy pa rin ang kanilang pagtulong at pagpapadala ng additional manpower; gayundin ng karagdagang boom trucks para matulungan pa ang mga apektadong lugar na maibalik ang kanilang elektrisidad.

Sa posibleng epekto naman ng Bagyong Leon, mayroon nang contingency measures ang NEA lalo na sa Batanes island.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble