NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang dalawang alkalde ng probinsya ng South Cotabato.
Magkahiwalay na inanunsyo ni Mayor Leonard Escobillo ng Tampakan at Floro Gandam, Sr. ng Lake Sebu na tinamaan sila ng sakit at pawang naka-isolate na.
Ayon kay Escobillo na isang registered nurse, sasailalim siya sa quarantine sa loob ng 21 araw.
Habang sinabi ni Gandam na asymptomatic siya kasabay ng kanyang paghingi ng dasal para sa lahat ng tinamaan ng COVID-19.
Nakapagtala ang Tampakan ng 183 COVID-19 cases kung saan 80 ang active cases habang ang Lake Sebu ay nakapagtala ng 131 cases kung saan 68 ang aktibo dito.