2 American nationals sa Bahamas, sugatan matapos ang umano’y pag-atake ng pating

2 American nationals sa Bahamas, sugatan matapos ang umano’y pag-atake ng pating

SUGATAN ang dalawang babaeng American national matapos ang umano’y pag-atake ng pating sa Bahamas.

Sa ulat, lumalangoy ang dalawang turista sa Bimini Bay bandang 6:30 ng gabi noong Biyernes, Pebrero 7, 2025, nang mangyari ang insidente.

Parehas nagtamo ng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang babae.

Ang isa pa rito ay malubhang sugatan at kinakailangang sumailalim sa ikatlong operasyon.

Samantala, nakabalik na ang dalawang turista sa Estados Unidos habang ipinagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon sa nangyaring insidente.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble