2 bagong fast-attack interdiction crafts ng Philippine Navy, inilunsad sa Israel

2 bagong fast-attack interdiction crafts ng Philippine Navy, inilunsad sa Israel

NAGKAROON ng launching ceremony ng dalawang bagong fast-attack interdiction crafts (FAICs) ng Philippine Navy sa Haifa, Israel.

Sinaksihan ito nina Commodore Alfonso Torres Jr., chairperson ng Pre-Delivery Inspection Team at Commodore Roy Vincent Trinidad, chairperson ng Project Management Team ng FAIC Acquisition Project.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Commodore Torres ang mahalagang papel ng Israel sa tagumpay na Multi-Purpose Assault Craft (MPAC) programs ng Navy.

Naging daan aniya para sa FAIC Acquisition Project ang “transfer of technology” na kauna-unahan sa defense cooperation ng dalawang bansa.

Sumailalim naman ang barko sa Pre-Delivery Inspection mula kahapon hanggang Hunyo 30.

Follow SMNI NEWS in Twitter