2 bayan ng Lanao del Norte, nasa ilalim ng kontrol ng COMELEC – PNP

2 bayan ng Lanao del Norte, nasa ilalim ng kontrol ng COMELEC – PNP

IDINAGDAG sa listahan ng lugar sa ilalim ng kontrol ng Commission on Elections (COMELEC) ang dalawang bayan ng Lanao del Norte.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) General Dionardo Carlos.

Ani Carlos, aabot na sa 105 na mga bayan at 15 syudad ang itinuturing na election areas of concern sa ilalim ng pinakamataas na ‘red category’.

Dagdag pa ni Carlos, naghahanda na rin sila ng karagdagang puwersa na ilalagay sa mga lugar na ito.

Magkakaroon din ng replacement ng mga tauhan upang manatiling balanse at non-partisan ang PNP.

Nag-deploy na rin ang PNP ng Regional Special Operations Task Group sa 115 areas na posibleng ituring bilang election areas of concern.

Tiniyak din ni Carlos ang publiko na handa na ang PNP sa May 9 general elections.

Follow SMNI NEWS in Twitter