2 bayan sa Occidental Mindoro, kumpirmadong apektado ng ASF—DA

2 bayan sa Occidental Mindoro, kumpirmadong apektado ng ASF—DA

KINUMPIRMA ng Department of Agriculture (DA) na may kaso sa ilang bayan sa Occidental Mindoro ng African swine fever (ASF) o virus sa mga alagang hayop.

Sinabi ni DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, kabilang dito ang bayan ng Sta. Cruz at San Jose.

Nagsagawa na rin aniya ng depopulation at mas naghigpit sa biosecurity measures.

Nasa higit 40 na baboy aniya ang na-cull sa San Jose habang dalawang baboy rin ang na-depopulate sa Sta. Cruz upang maiwasan ang pagkalat ng ASF.

Sa ngayon, itinuturing ng DA na “under control” na ang sitwasyon sa dalawang bayan ng Occidental Mindoro.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa kung paano nakapasok ang ASF sa naturang lalawigan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble