PATAY ang dalawang suspek sa ginawang anti-illegal drug operation sa Bacoor, Cavite.
Kaugnay nito, aabot sa 180 kilos ng shabu ang nasamsam ng owtoridad.
Samantala, nakilala ang mga suspek na sina Basher Bangon at Danilo Unvatar.
Ayon naman kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva, nakatakda itong isuplay sa Mindanao.
Dagdag pa ni Villanueva, ang mga napaslang na suspek ay mga big fish at main player na nagpapasok ng droga sa Pilipinas.
Nagbabala si Villanueva na ang mga manlalaban sa operasyon ay talagang papatayin dahil hindi papayag ang owtoridad na mula sa kanilang kampo ang mamatay.