2 car bombs sa Somalia, sumabog; Mahigit 100 katao, patay

2 car bombs sa Somalia, sumabog; Mahigit 100 katao, patay

HINDI bababa sa 100 katao ang nasawi matapos sumabog ang 2 car bomb malapit sa Education Ministry ng Somalia sa kabisera ng Mogadishu.

Ayon kay Somali President Hassan Sheikh Mohamud, mahigit 300 na indibidwal naman ang nagtamo ng matinding sugat sa naging pag-atake.

Sa isang Twitter post, kinumpirma ni Mohamud na ang Al-Shabaab Terror Group sa Somalia ang umano’y suspek sa naging insidente.

Sa ngayon ay patuloy pang ginagamot ang mga biktima ngunit ayon kay Mohamud na maaaring tumaas pa ang bilang ng mga nasawi sapagkat ang natamong sugat ng mga biktima ay nasa malubhang kondisyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter