2 Chinese companies, ikinokonsiderang maging katuwang ng isang Pinoy energy company para sa solar floating projects

2 Chinese companies, ikinokonsiderang maging katuwang ng isang Pinoy energy company para sa solar floating projects

IKINOKONSIDERA ng renewable energy company na Blueleaf Energy Philippines na maging katuwang sa kanilang floating solar projects sa Laguna ang dalawang Chinese companies.

Ang Chinese companies na ito ay ang Xian Electric Engineering Company Limited (Co. Ltd.) at China Energy Engineering Corporation.

Ang mga nabanggit na kompanya ay batikan na sa larangan ng renewable energy ayon sa Blueleaf kung kaya’t inaasahang mabisa ito bilang kapartner sa proyekto.

Tinatayang nasa P15B ang ilalaan na pondo para sa solar floating projects sa Caliraya at Lumot.

Sa unang quarter ng 2025 sisimulan ang konstruksiyon at target na matatapos ito sa second quarter ng taong 2026.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble