2 coach, kabataang figure skaters, nasawi sa nagbanggaang eroplano sa US

2 coach, kabataang figure skaters, nasawi sa nagbanggaang eroplano sa US

EMOSYONAL ang figure skating community kasunod ng pagkasawi ng dalawang dating world champion coaches at mga kabataang skaters sa nagbanggaang eroplano at army helicopter sa Estados Unidos.

Kabilang sa mga nasawi ang dating Russian world pairs champions na sina Evgenia Shishkova at Vadim Naumov.

Kasama rin ang mga batang skater na sina Jinna Han at Spencer Lane at kanilang mga magulang.

Ang 14 na mga biktima mula sa figure skating community ay pauwi na sana mula sa isang National Development Camp para sa mga young skaters kasunod ng U.S. Championship sa Wichita, Kansas.

Matatandaan na inanunsiyo ni U.S. President Donald Trump na walang survivor mula sa 60 pasahero at apat na crew members ng American Eagle Flight 5342 at sa tatlong sundalong sakay ng Black Hawk helicopter nang magbanggaan at bumagsak sa Potomac River.

Labis naman ang pagdalamhati ng mga sikat na figure skater sa nangyaring aksidente tulad nina former U.S. Women’s Champion at two-time Olympic and World Medalist Nancy Kerrigan, at reigning World and U.S. Men’s Champion Ilia Malinin.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble