ARESTADO na ang dalawang pulis na umano’y pumatay sa 15-anyos na si Fabel Pineda noong 2020 sa Ilocos Sur.
Sa ulat ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG), ang mga dinismiss na sina Police Staff Sergeants Randy Ramos, at Marawi Torda, 34 ay naaresto sa Barangay Bannuar, San Juan, Ilocos Sur kahapon.
Ang dalawa ay nahaharap sa kasong murder na walang piyansa at acts lasciviousness na may piyansang P200,000.
Bukod dito, nahaharap din si Ramos sa kasong rape na walang piyansa.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng San Juan Municipal Police Station ang mga suspek para sa Proper Disposition and Documentation bago ito iturn-over sa korte.
Matatandaang nasawi si Pineda matapos maghain ito ng reklamo laban kina Ramos at Torda dahil sa pag-atake nito sa kanya noong maaresto siya at kanyang pinsan dahil sa paglabag sa curfew.