2 domestic flights, kanselado dahil sa masamang panahon

2 domestic flights, kanselado dahil sa masamang panahon

KANSELADO ang dalawang domestic flights ngayong araw, Enero 16 dahil sa masamang panahon sa destinasyon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), hanggang kaninang alas-8 ng umaga, kanselado ang Flights 2P 2932 at 2933 na Manila-Basco-Manila ng PAL Express.

Pinapayuhan naman ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng kanilang tickets.

Follow SMNI NEWS in Twitter