2 empleyado ng DENR, timbog sa isang drug den sa Bukidnon

2 empleyado ng DENR, timbog sa isang drug den sa Bukidnon

PATULOY ang pamamayagpag ng ilegal na droga sa bansa.

Ito’y matapos na maaresto sa pinakabagong operasyon ng PDEA ang 2 emplyeado ng pamahalaan dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Walang kawala ang 2 empleyado ng DENR sa Bukidnon kasunod ng isinagawang anti-drug operation nitong Miyerkules, Nobyembre 27, 2024.

Pinangunahan ang operasyon ng nga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office X Bukidnon Provincial Office, katuwang ang Malaybalay City Police Station at Regional Intelligence Unit Bukidnon (PIT-PNP), kung saan nadiakubre ang isang drug den Barangay Casisang, Malaybalay City, Bukidnon.

Nasabat sa nasabing operasyon ang 10 gramo ng shabu ona may katumbas na halagang 68, 000 piso

Kinilala ang mga suspek na sina Alias John, 37 anyos, na itinuturing na drug personality ng mga awtoridad na kasalukuyang empleyado ng DENR sa Valencia City.

Kasama rin ang isa pang DENR emoloyee ng Manolo Fortich na si Alias EL, 39 anyos ang nahuli sa operasyon kasama ng isang Alias Vince, 39 anyos ng Brgy Casisang.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter