2 fighter jets ng Japan, nasa bansa para sa goodwill visit

2 fighter jets ng Japan, nasa bansa para sa goodwill visit

DUMATING sa bansa ang dalawang F-15J ng Japan Air Self Defense Force (JASDF) bilang bahagi ng goodwill visit.

Sinalubong ang mga ito ng FA-50 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) sa pagdating sa Clark Air Base, Pampanga kahapon.

Mainit na tinanggap ni Colonel Leo Fontanilla, commander ng 5th Fighter si Major General Takahashi Hideo, vice commander ng Western Air Defense Force ng JASDF sa isang simpleng seremonya kung saan nagkaroon ng interaksyon ng mga tauhan ng dalawang Air Force.

Habang nagsagawa ng wreath-laying ceremony sa Tomb of the Unknown Soldier sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City si General Izutsu Shunji, chief of staff ng JASDF kasama si Major General Araus Robert Musico, inspector general ng Philippine Air Force.

Ang mga isinagawang aktibidad ay naaayon sa bilateral agreement sa pagitan ng Philippine Air Force at JASDF upang palalimin ang defense cooperation at palakasin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.

 

 

Follow SMNI News on Twitter