2 high-ranking CTG leaders nasawi sa engkuwentro sa mga sundalo
DALAWANG matataas na opisyal ng komunistang teroristang grupong CPP-NPA ang na-neutralized ng tropa ng 3rd Special Forces Battalion (3SFBn), sa ilalim ng operational control ng 401st Infantry Brigade, 4th Infantry Division (4ID) ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom).
Ang dalawang terorista ay napatay matapos ang nangyaring engkuwentro sa Agusan del Sur.
Ayon sa mga awtoridad nakatanggap ng sumbong mula sa mga residente ang tropa ng 3rd Special Forces Battalion, mayroon umanong armadong grupo sa kanilang lugar at gumagawa ng ilegal na mga aktibidad sa kanilang komunidad.
Dahil dito agad na rumesponde ang mga sundalo sa lugar na nagresulta sa palitan ng putok at pagkasawi ng dalawang CTG members.
Kinilala ang mga napatay na rebelde na sina Larry Garcia, alias Joven, kilalang commanding officer ng Regional Sentro de Grabidad (RSDG), Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC), habang ang isa naman ay ang kaniyang vice vommanding officer, na si alyas Gaga/Garing.
Pinuri naman ni EastMinCom Commander LtGen. Luis Rex D. Bergante ng PA ang tropa ng mga sundalo dahil sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon at walang tigil na pagsasagawa ng operasyon upang matigil na ang armadong pakikibaka at matapos na ang kaguluhan sa Caraga region.
Follow SMNI News on Rumble