NAARESTO ng pinagsamang operatiba ng PDEA Regional Office IV-A Special Enforcement Unit Team 1 at PDEA Cavite Provincial Office ang dalawang high-value drug personalities sa pamamagitan ng ginawang buy-bust operation sa Brgy. Hugo Perez, Trece Martirez City, Cavite.
Habang nakatakas naman ang isang babae na kasamahan ng mga suspek.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 100 gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng aabot sa Php680,000.00 at ang buy-bust money.
Kasong paglabag sa Republic Act No 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga nahuling suspek.