2 high-value target drug personalities, naaresto ng PDEA Pangasinan

2 high-value target drug personalities, naaresto ng PDEA Pangasinan

ARESTADO ang dalawang high-value target drug personalities matapos masabat sa isang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan ang P1.36-M halaga ng shabu sa Pangasinan.

Sinabi ni PDEA RO 1 Regional Director, Director III Joel B Plaza, kinilala ang mga suspek na sina Herodutus Bulusan Marquez at Joseph Go Tadeo ng Binmaley, Pangasinan.

Nasamsam sa operation ang tatlong piraso ng knotted ice plastic at apat na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 200 gramo, dalawang mobile phone, isang itim na sling bag, isang empty ice plastic at isang sigarilyo, dalawang lisensiya sa pagmamaneho, isang motorsiklo, at ang buy-bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), at Section 26 (Conspiracy to Sell Dangerous Drugs), Article II ng RA 9165, o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasalukuyan naman itong nakakulong sa PDEA Pangasinan Detention Facility sa Urdaneta City, Pangasinan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble