2 Indonesian helicopters dumating na sa bansa para sa nagpapatuloy na HADR efforts ng Pilipinas

2 Indonesian helicopters dumating na sa bansa para sa nagpapatuloy na HADR efforts ng Pilipinas

Dumating na sa Pasay City ang Indonesian Mi 17V5 at H-225M helicopters mula sa Indonesian National Armed Forces.

Ang dalawang helicopters ng bansang Indonesia ay bahagi ng dagdag na pwersa na magagamit ng Philippine Air Force sa nagpapatuloy na Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR) efforts sa mga apektadong lugar dulot ng sama ng panahon.

Sa pamamagitan ng dalawang helicopters mas mapapalakas pa ng Philippine Air Force ang aerial relief capabilities nito at mas maipapaabot ng pamahalaan ang mga kinakailangang suplay lalo na sa mga liblib na lugar.

Sa ngayon maliban sa bansang Indonesia nagpaabot narin ng tulong ang mga bansang Singapore, Malaysia at Brunei para sa nagpapatuloy na HADR mission ng Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter