2 isla sa Bohol, isinailalim sa indefinite lockdown dahil sa COVID-19

2 isla sa Bohol, isinailalim sa indefinite lockdown dahil sa COVID-19

MATAAS ang kaso ng COVID-19 sa dalawang isla sa Probinsiya ng Bohol na malapit sa Cebu City ayon sa ikinumpirma ni Governor Arthur Yap sa panayam ng Usaping Bayan.

 Ito ay ang mga Isla ng Malingin sa Munisipalidad ng Bien Unido at Isla Guidacpan sa Munisipalidad ng Talibon.

“Bakit nagti-trending doon sa dalawang isla na ‘yon? Bakit doon ang marami? So, iyon nga, ang ano namin, ang iniisip namin, hindi sila nag-istrikto sa pag-in and out ng mga tao.”

                  Gov. Arthur Yap – Province of Bohol

Ani Yap, may mga pangyayari na pinapabiyahe ang mga tao sa isla nang walang pahintulot mula sa lokal na pamahalaan.

Sa ngayon, nagdagdag ng mga pulis si Gov. Yap sa mga nasabing isla para ipatupad ang mga health protocol doon.

“Ang ginawa namin nag-assign kami ng mga additional na mga pulis sa mga isla, tapos ‘yong mga coast guard nagdo-double time sa pagbabantay no’ng channel.”

                Gov. Arthur Yap – Province of Bohol

Wala namang nakikitang dahilan si Gov.Yap na ang mga locally stranded individual at mga overseas Filipino worker ang dahilan kung bakit nahawaan ang mga ito ng virus.

Tiniyak ng provincial government ng Bohol na magkakaroon ng supply ng pagkain ang mga residente ng dalawang isla.

“Pinagtutulungan ng Municipalities of Bien Unido, Talibon and the provincial government, ang pag-supply sa kanila ng pagkain sa mga panahon ngayon.”

               Gov. Arthur Yap – Province of Bohol

Ani Gov. Yap, kailangan talaga itong gawin ng provincial government upang matukoy kung sinu-sino ang mga nahawaan ng COVID-19 sa probinsiya.

“Kung kayang ubusin silang lahat sa contact tracing, uubusin natin sa contact tracing para ma-isolate nating iyong may mga sakit.”

               Gov. Arthur Yap – Province of Bohol

Sa huli sinabi ni Gov. Yap na hanggang may mataas na kaso ng COVID-19 sa dalawang isla ay hindi nito aalisin ang pagsasailalim sa lockdown.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.