UMAASA ang Department of Justice (DOJ) na matutuloy na bukas ang deportation ng dalawa pang Japanese kabilang na si alyas “Luffy” o Yuki Watanabe.
Si Watanabe ang sinasabing mastermind ng sindikato sa malawakang nakawan sa Japan at nag-ooperate o nag-uutos habang nakakulong sa immigration facility gamit ang ipinuslit na mga gadgets.
Nauna dito ay sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na naghain ng mosyon ang abogado ng mga Japanese fugitive para mag-inhibit sa kaso ang mismong judge na may hawak sa kaso pero ito ay tinanggihan at ibinasura na ng Korte.
Naniniwala si Remulla na taktika ito ng mga abogado ng mga Japanese para patagalin ang deportation nila pabalik sa Japan.
Kaninang umaga ay nadeport na ang dalawang hapon na kasamahan sa sindikato ni Luffy.