ISINUSULONG ng mga mambabatas sa Quezon City ang 2,000 buwanang ayuda para sa mga person with disabilities (PWDs).
Ang House Bill (HB) 5803 o “Disability Support Allowance Bill” ay batas kung saan mabibigyan ng 2,000 buwanang ayuda ang mga physically o mentally impared na Pilipino.
Bagama’t kinakailangan pa rin ng solusyon para malampasan ang mga hadlang ng kahirapan lalong-lalo na sa mga PWDs matapos ang pandemya.
Hangad ng naturang batas na makapagbigay kaginhawaan sa 12% kabuuang bilang ng PWDs sa buong Pilipinas.
Saklaw sa naturang panukala ang mga persons with psychosocial disability, persons with autism, persons with down syndrome, persons who are blind, persons with low vision, deaf at persons with rare diseases.
Ang naturang panukala ay nauna nang naipasa sa 18th Congress ngunit nanatiling nabinbin sa antas ng komite at muli na naman ngayon sa 19th Congress sa suporta ng ilang advocacy groups.