2 kaso ng Mpox kumpirmadong naitala sa Bangsamoro Region

2 kaso ng Mpox kumpirmadong naitala sa Bangsamoro Region

NAGBABALA ang Ministry of Health (MOH) ng Bangsamoro matapos makumpirma ang dalawang kaso ng monkeypox (Mpox) sa Bulalo, Sultan Kudarat at Dalican, Datu Odin Sinsuat nitong Mayo 20.

Hinimok ng MOH ang publiko na mag-ingat at sundin ang mga sumusunod na paalala.

  1. Iwasan ang malapitang contact sa may sintomas.
  2. Panatilihin ang kalinisan ng katawan at kapaligiran.
  3. Iwasan ang pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon na maaaring magdulot ng takot, pangamba o panic sa ating mga kababayan.
  4. Agad magpatingin sa pinakamalapit na health center kung may sintomas.

Kabilang naman sa mga sintomas ng monkeypox ang:

Lagnat

Matinding pagkapagod

Pananakit ng ulo at katawan

Pamamaga ng kulani

Rashes o pantal sa balat

Samantala, anim na suspected cases pa ang sumasailalim ngayon sa confirmatory testing sa RITM. Tatlo rito ay mula sa Cotabato City, at tig-isa sa Sultan Kudarat, Parang, at Datu Montawal.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble