2 lalaki, 1 reservist ng Philippine Army, arestado sa buy-bust operation

2 lalaki, 1 reservist ng Philippine Army, arestado sa buy-bust operation

ARESTADO ang tatlong kalalakihan kasama ang isang reservist enlisted personnel ng Armed Forces of the Philippines ng pinagsanib puwersa ng mga operatiba PDEA SES, PDEA 4A at Station 6 ng QCPD.

 

Nangyari ang pag-aresto sa ikinasang drug buy bust operation sa  parking lot ng  Ever Gotesco Mall sa Quezon City.

 

Ini-report ito ng team Alpha na si Agent Jeffrey Baguidudol, kay IA-5 SES OIC Rogelio Daculla, at kay Philippines Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva.

 

Kinilala ang mga suspek na sina  Amel Abdul, 31- anyos company driver, Jonaid Londoy, 27-anyos  unemployed, at arestado rin ang isang Private 1st Class Philippine Army na si  Salillaguia Omar, 35-anyos, .

 

Nakumpiska sa kanilang pag-iingat ang isang kilo ng  umano’y shabu na may street value ng P6.8M, buy bust money, isang unit One Honda.

 

Ayon kay Agent Baguidudol, unang nakipag-transaksyon ang mga suspek sa bahagi ng MOA sa Pasay City, at bigla nalang kinansel at sa Ever Gotesco, sa Quezon City nakipagkita, ng 8:30 ngayong umaga ng  June 27, 2020 kungsaan sila ay naaresto.

 

JIMMY MENDOZA

One thought on “2 lalaki, 1 reservist ng Philippine Army, arestado sa buy-bust operation

  1. Saludo po ako sa inyo mga team ng buy bust operation na nahuli mga iyan n walang paundangan sa mundo lalo ngayon pandemya at sa bansa natin..justice will reserve sa mga tatlo n yan..

Leave a Reply

Your email address will not be published.