2 lalaki, naaresto sa Caloocan City; 300K halaga ng high grade marijuana, nasabat

2 lalaki, naaresto sa Caloocan City; 300K halaga ng high grade marijuana, nasabat

2 suspek ng marijuana ang naaresto ng mga awtoridad ng Northern Police District (NPD) kasunod ng isinagawang anti-illegal drug buy bust operations dakong alas onse ng gabi ng Martes sa Brgy. 83, Caloocan City.

Nasabat mula sa mga suspek ang mga high-grade marijuana na nagkakahalaga ng P300K.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Mart, 20 anyos at alyas White, 19 anyos pawang walang mga trabaho.

Agad na sinampahan ng kaso ang mga suspek dahil sa paglabag sa RA9165 at kasalukuyang nasa kostudiya ng NPD-District Drug Enforcement Unit.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble