2 lider sa Cebu, suportado ang kandidatura ni Pastor Apollo C. Quiboloy

2 lider sa Cebu, suportado ang kandidatura ni Pastor Apollo C. Quiboloy

SA ginanap na Nationwide Proclamation Rally ng Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement kamakailan, parehong dumalo sina Cebu City Mayorial Candidate Mike Rama at Cebu Gubernatorial Candidate, Pamela Baricuatro.

Si Rama dumalo sa pagtitipon sa Ynarez Gym, Pasig. Samantala, si Baricuatro naman ang tanging local candidate na bisita sa proclamation rally sa Liloan, Cebu. Ang dalawa ay kapwa nasa hanay ng partido PDP na pinamumunuan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sina Rama at Baricuatro ay ilan sa mga tumatakbong kandidato na tumindig para sa mga Duterte, PDP-Laban at kamakailan ay hayagan nang inanunsiyo ang suporta para kay Pastor Apollo.

“We need to support gyud leaders like Pastor Quiboloy who has a tremendous love for God, for a country and for the people. So, let us all stand together and support Pastor Quiboloy in his vision for brighter Philippines,” pahayag ni Pam Baricuatro, Cebu Province Gubernatorial Candidate, PDP Laban.

Ayon kay Baricuatro, ang KOJC ang naging instrumeno sa kaniyang pagiging kandidato ng PDP sa pagka-gobernador.

“Para sa pagmamahal sa social justice, dahil hindi ako sang-ayon sa ginawa nila kay Pastor Quiboloy, pumunta ako sa Liwasang Bonifacio, at doon ako natuklasan ng PDP kaya hiniling nila sa akin, “Pam, mangyaring tumakbo ka sa Cebu.” Hindi ako politiko, hindi ako politiko. Ako’y isang pilantropo at sosyal na aktibista, aktibista talaga ako kaya nandun ako sa Liwasang Bonifacio. Nang mag-file na ng kandidatura, wala talagang pumirma, wala talagang nag-file. Binalikan nila ako at kinausap ni Cabsec Evasco si Mayor Mike na si Pam ang gusto ng partido na tumakbo. Kaya ayun, dahil ito sa KOJC,” paliwanag pa nito.

2 DDS political vlogger sa Cebu, tumindig para sa bayan

Samantala, ‘di nag-atubiling dumalo ang dalawang kilalang Cebuano political vloggers na sina EB Jugalbot at Jun Abines na convenor din ng Hakbang ng Maisug Cebu.

Sa ginanap na Proclamation Rally ni Pastor Quiboloy, ibinahagi nila ang kanilang obserbasyon sa kaganapan ng KOJC Siege kung saan isa sila sa mga regular na iniinterview ng SMNI News sa kasagsagan ng pag-atake.

“Ang KOJC, simbolo kayo ng ordinaryong tao, simbolo kayo ng pakikibaka, simbolo kayo ng pang-aapi, pero hindi kayo nagpadaig, hindi kayo naging marahas, lumaban kayo, nagtiwala kayo sa Diyos at ngayon nandito si Pastor, nakikipaglaban sa legal at political na laban. Ngayon nandito tayo nag-suporta! Hindi ako relihiyoso, ipinanganak ako at nag-aral bilang Katoliko, kahit si Jun. Pero itong ating laban ngayon, hindi na ito tungkol sa relihiyon. Ang pag-uusig sa KOJC ay hindi tungkol sa relihiyon, ito ay tungkol sa mga batayang karapatang pantao ng bawat Pilipino na ipinaglalaban ni Pastor Quiboloy. Kaya nandito kami sa kanyang tabi hindi dahil miyembro kami ng KOJC pero dahil katulad ni Pastor Quiboloy, nararamdaman namin ang kapighatian ng ating bansa,” pahayag ni EB Jugalbot, Cebu Political Vlogger.

“Basta’t ang Maisug ay sumusuporta talaga kay Quiboloy, mga Duterte Slate, Quiboloy, dahil walang matatag, mismo si BBM ay hindi mananalo kung wala ang SMNI, kung wala ang KOJC hindi siya mananalo. Kahit si Duterte sinuportahan din talaga, kaya pagdating ko rito parang nahumble ako dahil ito ay isang haligi, isang pundasyon, isa sa pinaka matatag na organisasyon na tumulong at naglingkod sa Pilipinas pero sila pa ang inaapi,” mensahe naman ni Jun Abines, Cebu Political Vlogger.

Sa pagsisimula ng campaign period sa mga national candidates, nitong Pebrero 11, 2025 nanatiling matatag ang KOJC at mga supporters ni Pastor Quiboloy kahit hindi pa nila ito makakasama sa kasalukuyan. Subalit nakahanda ang mga ito bilang mga volunteer na iikot sa mga kabahayan upang ipaabot ang magandang hangarin ng Butihing Pastor para sa Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble