2 lokal na opisyal, nangangamba sa pagbaba sa IRA ng LGUs para sa 2023

2 lokal na opisyal, nangangamba sa pagbaba sa IRA ng LGUs para sa 2023

DALAWANG halal na opisyal ang nangangamba para mga lokal na pamahalaan sa maaaring maging epekto ng gahiganteng tapyas sa Internal Revenue Allotment (IRA) ng mga LGUs para sa 2023 national budget na aabot sa P135 bilyon.

Ang IRA ay ang pondong ibinibigay sa mga LGUs bilang bahagi sa buwis na nakokolekta ng national government.

Ayon kay Mayor Frederick Siao ng Iligan City sa Lanao del Norte, malaking dagok sa lungsod nila kung mangyari ang napipintong P350 million na pagbaba ng IRA ng Iligan City sa panukalang pambansang budget na dinidinig ngayon sa Kamara.

Nag-aalala rin si Siao sa epekto ng mas kaunting Internal Revenue Allotment sa mga mahihirap na bayan, lalo na mga third class hanggang sixth class municipalities na umaasa nang malaki sa IRA para sa taunang budget nila.

Gayundin ang saloobin ni Vice Mayor Lawrence Fortun ng Butuan City sa CARAGA Region.

Ani Fortun, P354 million naman ang mababawas sa Internal Revenue Allotment ng Butuan kumpara sa alokasyon nila sa kasalukuyang 2022 budget.

Parehong dating kongresista sina Siao at Fortun.

Batay sa panukalang 2023 budget, P135 billion ang kabuuang maaaring pagbaba ng IRA sa lahat ng LGU kung hindi magagawan ng paraan ng Kongreso.

Follow SMNI NEWS in Twitter