2 lugar sa Pilipinas, bibisitahin ng The Red Jumpsuit Apparatus ngayong Setyembre

2 lugar sa Pilipinas, bibisitahin ng The Red Jumpsuit Apparatus ngayong Setyembre

CHEERS to fans dahil dalawang lugar sa Pilipinas ang bibisitahin ng American rock band na The Red Jumpsuit Apparatus ngayong Setyembre!

Ayon sa concert promoter na PULP Live World, Setyembre 11 tutungo ang banda sa SMX Convention Center, Davao City at sa Setyembre 12 sa SM North Edsa Sky Dome, Quezon City.

Ito na ang muling pagbabalik ng The Red Jumpsuit Apparatus simula nang bumisita sila sa bansa noong taong 2003.

Sa ticket selling, magsisimula ito sa Hulyo 14.

Sikat ang banda sa mga kanta tulad ng “Your Guardian Angel”, “Face Down”, “False Pretense”, “Cat and Mouse”, at “Damn Regret”.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble