BABALIK na sa face-to-face na pag-aaral ang halos dalawang milyong estudyante sa Hanoi bukas.
Dalawang milyong estudyante sa Hanoi ang babalik sa mga paaralan nito sa Marso a-dos kasunod ng pagpapalawig ng isang buwang tet break nito dahil sa COVID-19.
Babalik na ang mga estudyante sa kindergarten hanggang sa high school sa mga paaralan bukas pero ang mga nag-aaral ng bakasyon ay babalik pa sa Marso a-otso.
Ang mga University student naman ay kikilalanin ng mga paaralan nito kung makakabalik na sa paaralan.
Ang mga hakbang na ito ay isinulong ng Ministry of Education sa kabila ng rekomendasyon ng National Steering Committee for COVID-19 prevention and control na muling magbukas sa Marso a-kinse at siguruhin na maipatutupad ang social distancing measure.
Kasabay ng pagbabalik ng on-site na mga klase, kinakailangang i-check muna ng mga magulang ang temperatura ng kanilang mga anak bago pumasok ng paaralan.
Kaugnay nito ay kinakailangan namang magpatupad ng regular na disinfection ng mga paaralan upang maiwasan ang mga lokal na transmisyon sa loob ng mga pasilidad nito.