2 malalaking opisyal ng Estados Unidos at China, posibleng magpupulong sa Thailand

2 malalaking opisyal ng Estados Unidos at China, posibleng magpupulong sa Thailand

INAASAHANG magkikita si United States National Security Adviser Jake Sullivan at Chinese Foreign Minister Wang Yi sa Thailand.

Hindi pa lang tiyak kung anong araw mag-uusap ang dalawa.

Maaaring tatalakayin ng mga ito ang mga hakbang na magreresolba sa kasalukuyang tensiyon sa pagitan ng Estados Unidos at China.

Ang posibleng pagkikita naman ng dalawa sa Thailand ay kasunod na rin sa hiwalay na pagbisita ng mga ito sa ilang Thai officials nitong Biyernes, Enero 26, 2024.

Follow SMNI NEWS on Twitter