2 malalaking shipping companies, mananatiling iiwas sa paglalayag sa Red Sea dahil sa Houthi rebels

2 malalaking shipping companies, mananatiling iiwas sa paglalayag sa Red Sea dahil sa Houthi rebels

MAGPAPATULOY ang shipping company na Maersk ng Denmark at Hapag-Lloyd ng Germany na iiwas sa paglalayag sa Red Sea.

Ang hakbang ay kasunod ng mga pag-atake ng Houthi rebels ng Yemen sa lahat ng mga cargo vessel na dumadaan sa Red Sea.

Lumalayag na ngayon ang kanilang mga barko gamit ang Cape of Good Hope ng Africa.

Isa nga lang hamon para sa shipping companies ang dumaan sa Africa dahil katumbas ito ng isang milyong dolyar na gastos para sa extra fuel ng kanilang barko bawat biyahe nito sa pagitan ng Northern Europe at Asya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble