2 mataas na armas ng CTGs, nakumpiska ng militar sa Surigao del Sur

2 mataas na armas ng CTGs, nakumpiska ng militar sa Surigao del Sur

NASAMSAM ang dalawang high-powered firearms sa imbakan ng armas ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Mahaba, Marihatag, Surigao del Sur.

Ito ay kasunod ng isinagawang focused operations ng mga miyembro ng 75th Infantry Battalion.

Kabilang sa nakumpiska ng militar ang dalawang 7.62 AK47 rifle at 5 magazine na may 69 live ammunition.

Ayon kay Lieutenant Colonel Jelson Buyuccan, commanding officer ng 75IB, naging matagumpay ang operasyon ng militar sa tulong ng mga dating rebelde na nagturo sa kinaroroonan ng mga armas.

Hinimok nito ang natitirang NPA na ibaba ang kanilang armas at magbalik-loob sa gobyerno upang makapagbagong buhay sa tulong ng Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Follow SMNI NEWS in Twitter