2 mataas na opisyal ng PNP-SPD, kulong ng 30 araw sa Kamara

2 mataas na opisyal ng PNP-SPD, kulong ng 30 araw sa Kamara

PINATAWAN ng contempt ang isang heneral at colonel ng Philippine National Police -Southern Police District (PNP-SPD) sa ilalim ng mungkahi ni House De­puty Majority Leader ­Erwin Tulfo sa gitna ng House Committee on Public Order and Safety Hearing nitong Lunes Pebrero 5, 2024.

Kulong ng 30 araw sa detention facility ng Kamara sina dating P/Brig. Gen. Roderick Mariano, dating director ng PNP-Southern Police District (SPD) at P/Col. Charlie Cabradilla, dating chief ng Comptroller ng SPD.

Ayon sa Kamara, nagsisinungaling ang dalawa kaugnay ng unlawful arrest, arbitrary detention at robbery laban sa apat na Chinese nationals sa lungsod ng Parañaque noong Setyembre 2023.

Nabatid na nagsagawa ng operasyon at pag-aresto ang mga ope­ratiba sa apat na Chinese na pinaratangang sangkot sa human trafficking, nakumpiskahan ang mga negosyante ng samu’t ­saring paraphernalias at P27-M na hindi umano idineklara.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon ng komite na posibleng umabot pa sa P64-M ang perang nakuha ng mga pulis bagaman ayaw itong aminin ng mga operatiba.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter