2 menor de edad ng komunistang teroristang grupo, sumuko

DALAWANG menor de edad na CPP-NPA Terrorists (CNTs) ang nasa pangangalaga ngayon ng  4th Infantry (Diamond) Division matapos sumuko dala ang kanilang mga baril noong Disyembre 3 at 4, sa Headquarters ng 75th Infantry Battalion, Brgy Magroyong, San Miguel Surigao del Sur.

Kinilala ang mga sumuko na sina alyas Je-an, 16 yrs old, Medic of Squad 2, Platoon 2, Guerilla Front 30 (GF30) ng North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC), na may dalang isang AK47 Rifle at apat na magazine.  kargado ng 50 rounds ng cal.  7.62mm ammunitions

Habang si alyas Joy, 17 yrs old, miyembro ng Squad 3 ng SRSDG Southland, NEMRC, na may dalang AK47 Rifle, at dalawang magazine na kargado ng 11 rounds ng cal.  7.62mm live ammunitions.

Ayon sa ulat, kusang-loob  ang nasabing mga menor de edad na sumuko kay Lt Col Jelson D Buyuccan, Commanding Officer ng 75IB na nasa ilalim ng 401st Brigade.

Pinuri naman ni Major General Romeo S Brawner Jr, 4ID Commander, ang 75IB sa aktwal na pagtanggap ng mga ito sa menor de edad mula sa mapagsamantalang CTG.

Tinitiyak din na ligtas na makakabalik sina Je-an at Joy sa kani-kanilang mga mahal sa buhay.

Binatikos niya ang mga pinuno ng CNT sa patuloy na pagre-recruit ng mga menor de edad at pagkaladkad sa kanila sa isang armado ng pakikibaka kung saan hindi dapat makibahagi ang mga bata.

SMNI NEWS