NAARESTO ang dalawang sugatang menor de edad na pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sultan Kudarat.
Noong Sabado, Hunyo 21, 2025 nangyari ang isang hot pursuit operation sa Brgy. Datu Ito Andong, Kalamansig kung kaya’t nadakip ang mga ito.
Ayon sa 6th Infantry Division ng Philippine Army, ang dalawa ay kasama ng mga rebeldeng naka-engkuwentro ng mga sundalo noong Hunyo 19.
Sa kabila ng pagkakaaresto ay dinala ang dalawang sugatan sa Kalamansig Rural Health Unit para malapatan ng lunas bago dinala sa Camp Siongco Station Hospital.