2 militias, sumuko; 82 tagasuporta ng CTGs sa Quezon, kumalas

2 militias, sumuko; 82 tagasuporta ng CTGs sa Quezon, kumalas

SUMUKO ang dalawang miyembro ng Milisyang Bayan habang 82 tagasuporta ng CPP-NPA-NDF ang binawi na ang kanilang suporta sa communist terrorist group (CTG) sa mga munisipalidad ng San Francisco at San Andres sa Quezon Province.

Ito ang iginiit ni 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Major General Roberto Capulong bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa insurhensya.

Ayon kay Capulong, kabilang sa mga kumalas ng suporta ang 45 tagasuporta ng CPP-NPA-NDF mula sa barangay ng Cawayan 1, Huyon-Uyon, at Silongin sa San Francisco, gayundin sa barangay ng Mangero, at Tala sa San Andres.

Habang 37 tagasuporta ng CPP-NPA-NDF mula sa barangay sa Poblacion, Don Juan Vercelos, at Nasalaan ang binawi na rin ang kanilang suporta sa grupo.

Hinimok ni Major General Capulong ang nalalabing miyembro ng CPP-NPA-NDF na magbalik-loob na sa gobyerno upang makapiling ang kanilang mga pamilya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter