2 miyembro ng Abu Sayyaf, sumuko sa Sulu

2 miyembro ng Abu Sayyaf, sumuko sa Sulu

SUMUKO ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf sa tropa ng militar sa Patikul, Sulu.

Kinilala ni Joint Task Force Sulu Commander Major General Ignatius Patrimonio ang mga sumukong personalidad na sina alyas Hadjang at alyas Nadz.

Ibinaba rin nila ang kanilang M16 Elisco rifle at cal. 45 pistol.

Agad na nagbigay ng tulong pinansyal at pagkain ang 1103rd Infantry Brigade sa mga sumukong personalidad.

Iginiit ni AFP Western Mindanao Command Commander Lieutenant General Roy Galido na ang nasabing tagumpay ay bunga ng pagtutulungan ng JTF Sulu, Pamahalaang Panlalawigan ng Sulu, partners at stakeholders ng militar, at mamamayan ng Sulu.

Makakaasa aniya ang publiko na paiigtingin nila ang pagsisikap na matamo ang kapayapaan at pag-ulan sa Sulu at iba pang lugar sa ilalim ng kanilang area of operation.

Follow SMNI NEWS in Twitter