2 miyembro ng Abu Sayyaf, sumuko sa Sulu

2 miyembro ng Abu Sayyaf, sumuko sa Sulu

SUMUKO ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa 4th Marine Brigade ng Joint Task Force Sulu sa Barangay Tandu Bato, Luuk, Sulu.

Sa ulat kay Joint Task Force Sulu Commander Major General Ignatius Patrimonio, kinilala ang mga sumuko na sina alyas “Udang” na nasa ilalim ni Abu Sayyaf senior leader Radullan Sahiron at alyas “AL” na nasa ilalim ni Abu Sayyaf sub-leader Idang Susukan.

Ibinaba rin nila ang M16 rifle, US Rifle Cal.30 M1 Garand Winchester, Cal. 45 pistol, mga bala at bandolier.

Sa initial debriefing, sinabi ng dalawa na sumuko sila dahil sa pagod na magtago at laging nag-aalala sa kanilang kaligtasan.

Mula Enero ngayong taon, kabuuang 48 miyembro ng Abu Sayyaf ang sumuko sa Joint Task Force Sulu kasama ang 36 na armas.

Follow SMNI NEWS in Twitter