2 miyembro ng CTG, huli sa magkahiwalay na manhunt operations

2 miyembro ng CTG, huli sa magkahiwalay na manhunt operations

NAHULI ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang 2 miyembro ng communist terrorist group (CTG) matapos ang ikinasang manhunt operations.

Ayon kay PNP-CIDG Director Police Brigadier General Romeo Caramat Jr., nahuli si alyas Kenji sa operasyon sa Surigao City dahil sa paglabag sa R.A. 11479  (Anti-Terrorism Act of 2020) at Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide and Other Crimes Against Humanity.

Si alyas Kenji ay no. 5 regional most wanted person.

Sa Pampanga, naaresto si Ernesto Serrano, alyas Ka Revo matapos ang 4 na taong pagtatago sa batas dahil sa kasong murder.

Sa impormasyon, si Godez ay political guide ng Sandatahang Yunit Pampropaganda ng Guerilla Front 16C (SYP-GF 16C) ng North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).

Habang si Serrano ay miyembro ng Platoon Bataan ng Central Regional Committee.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter